Hugis-pusong espasyo, nabuo sa mga itinanim na oak trees na alaala ng pagmamahalan

Isang naiiba at nakamamanghang alaala ng wagas na pagmamahalan ang pinag-uusapan ngayon sa social media lalo na ang kuwento sa pagkakabuo nito.

Noong 1962 sa Timog-Kanlurang bahagi ng Inglatera, nagpakasal umano ang magkasintahang  nagnangangalang Janet at Winston Howe. Saksi ang kani-kanilang mga kapitbahay sa paglalarawan kung gaano kasaya ang kanilang pamumuhay bilang mag-asawa.

Image capture mula sa YouTube channel
Image capture mula sa YouTube channel

Subalit, kahit gaano pa kasaya ang buhay ng tao, sadyang dumarating ang mga dagok sa buhay. Nagkaroon ng sakit sa puso si Janet at sumakabilang-buhay ito. Halos mawasak ang buhay ni Winston dahil sa labis na pamamanglaw sa kinahinatnan ng kanyang asawa na halos 33 taon niyang karamay sa buhay.

Upang bigyang-pagkilala at alaala ang kanyang namayapang kabiyak, nagtanim siya ng anim na libong oak trees sa kanilang bukirin. Inilihim niya ito sa lahat, subalit makalipas ang  17 taon ay nagsilakihan at yumabong na ang mga ipinunlang oak trees. Walang nakapansin sa kakaibang hugis na nabuo nito sa gitnang espasyo ng mga punong ito.

Natuklasan ng hot air balloon rider na si Andy Collet noong 2012 ang nakamamanghang hugis-puso sa itaas na pagtanaw o top view sa mga oak trees nang siya ay nasa himpapawid.

Image capture mula sa YouTube channel
Image capture mula sa YouTube channel

Nakamamangha dahil ang mga oak trees na iyon na nakabuo ng hugis-pusong espasyo sa gitna ay ang mga oak trees na itinanim ni Winston para sa alaala ni Janet.

“You can just imagine the love story. I have my own balloon and am quite a regular flyer, but this was the most amazing sight I have ever seen from the sky,” ani Andy sa panayam.

Panoorin ang video ng ulat nito via YouTube channel: