“LAMESA”, nilikha ng mga Pilipinong imbentor para sa mga preschoolers

Isang “quak3-proof desk” para sa mga preschoolers ang nilikha ng ilang mga Pilipinong imbentor upang mapaghandaan ang “The Big One” o iba pang mga serye ng pagyan1g.

Batay sa opisyal na pahayag ng  Department of Science and Technology o DOST, nilikha ng grupo ng mga mananaliksik mula sa iba’t ibang pamantasan tulad ng Philippine Normal University o PNU, De La Salle University, at Technological University of the Philippines o TIP,  ang mga high impact-proof automated study desks para sa mga mag–aaral ng preschool.

Ang desk na ito ay tinawag nilang LAMESA o L1fe-Saving Automated Mesa na sensitibo sa alinmang  “se1smic activity.”

Larawan mula sa official website ng DOST

“LAMESA combines technology with capacity building in terms of knowledge and infrastructure to best address such probable disaster, particularly in educational institutions,” halaw mula sa pahayag ng DOST.

Ang LAMESA ay may habang 0.69 m, may lapad na 3.327 cm. May taas itong 0.57 m upang makapagkubli sa ilalim ang mga bata. Yari naman sa bakal ang ibabaw nito na nababalutan ng epoxy paint upang tumagal.

Makakikita rin dito ng storage bin na may sliding door para maitago ang mga lighting devices, suplay ng pagkain at tubig na maaaring makonsumo ng siyam na preschoolers.

Larawan mula sa official website ng DOST

Ito rin ay may accelerometer device na nakararamdam ng mga paggalaw at nagtatala ng se1smic measurements patungo sa isang Wi-Fi-enabled microcontroller.

“On average, a strong qu4ke that may cause debris lasts about 30 to 40 seconds. This means that LAMESA’s four-second response time provides ample time to shield children from debris during a qu4ke,” ayon sa pinuno ng mga mananaliksik na si Dr. Marie Paz E. Morales ng PNU.

Dagdag pa niya: “We are also contemplating on using fiberglass instead. We also thought of using a wall sensor to manage a set of desks.”

Patuloy pa rin sila sa pananaliksik kung paano pa mapauunlad ang prototype design ng kabilib–bilib na LAMESA.