Bagong planeta na puwedeng matirhan ng tao, nadiskubre ng NASA

  • Kamakailan nakadiskubre ang National Aeronautics and Space Administration ng mga bagong  planeta na kabilang sa ating solar system
  • Kabilang sa tatlong planeta na ito ay isang planeta na katulad ng Earth na maaari umanong matirhan ng mga tao
  • Ang mga bagong planeta na ito ay nadiskubre ng mga mananaliksik sa NASA gamit ang Exoplanet Survey Satellite na pinadala sa kalawakan noong 2018
Imahe mula Freepik

Mula nang unang makarating ang astronaut na si Neil Armstrong sa buwan noong July 20, 1969, naging sunod-sunod na ang mga ginanap na space missions upang mas lalo pang lumawak ang ating kaalaman tungkol sa ginagalawan nating solar system at sa mga celestial objects na makikita dito.

Isa ang National Aeronautics and Space Administration o NASA sa mga nangungunang ahensya na lumilikha at nagpapatupad ng mga programa at pananaliksik sa ating kalawakan.

Ang satellite ang pangunahing ginagamit na instrumento ng mga siyentipiko upang maobserbahan at mangolekta ng impormasyon tungkol sa mga bagay na nasa kalawakan. Sa ngayon, mayroong libo-libong satellites ang nasa kalawakan at walang tigil na lumilibot at kumakalap ng impormasyon.

Ang mga satellites na ito ay nakadidiskubre ng mga bagong asteroids, stars, at maski planeta. Ang mga bagong diskubreng planeta ay tinatawag na exoplanet.

Noong 2018, nagpadala ang NASA ng bagong satellite na tinawag nilang Exoplanet Survey Satellite (TESS).  Trabaho ng TESS ang lumibot sa kalawakan upang sumuri at maghanap ng mga bagong bituin o planeta na maaring sumuporta ng “alien life.”

Imahe mula NASA

Kamakailan, nakatanggap ng impormasyon ang mga mananaliksik ng NASA mula sa TESS. Tatlong exoplanets ang nadiskubre nito, at ang isa rito ay maaari umanong matirhan ng tao katulad ng planetang Earth. Ang mga bagong diskubreng planeta na ito ay tinawag na GJ 357 b, GJ 357 c, at GJ 357 d.

Ang planetang GJ 357 d ay nadiskubreng mas mabigat sa Earth ng mahigit anim na beses. Mayroon din itong sapat na init at tubig na maaari umanong sumuporta ng buhay. Ang dalawang iba bang nadiskubreng planeta ay masyado umanong mainit upang matirhan.

Ang mga nadiskubreng ito ng TESS ay nailathala sa Astronomy & Astrophysics. Ayon sa ulat: GJ 357 d is located within the outer edge of its star’s habitable zone, where it receives about the same amount of stellar energy from its star as Mars does from the sun.

Karagdagang impormasyon at pag-aaral pa ang gagawin ng mga mananaliksik sa NASA tungkol sa nadiskubreng planetang ito. Ang TESS ay inaasahan namang magpapatuloy pa sa kaniyang misyon hanggang taong 2022.