Hi-tech street food trip? Tusok-tusok cart, puwedeng magbayad ng digital o mobile money

  • Cashless payment na ang bayad sa isang fishball at tusok-tusok stand sa Mandaluyong City
  • Gamit ang QR code at PayMaya app, nakakapagbayad na ang mga customer sa food cart sa pamamagitan ng cellphone
  • Marami daw advantages ang paggamit nito tulad ng walang suklian at mas ligtas nilang nakukuha ang kita

Isa sa mga malalaking inobasyong nagawa ng teknolohiya para sa mga mamimili ay ang pagdagsa ng iba’t ibang digital money and payment transactions. Sa pamamagitan lamang ng mobile phones, maaari nang bayaran ang iyong binili mula sa mga awtorisadong tindahan na karaniwang nakikita sa mga mall.

Ngunit maging ang paboritong meryenda ng mga Pilipino na ‘tusok-tusok’ ay sakop na rin ng mga digital money o mobile payments. Trending ngayon sa social media ang isang fishball cart na umiikot sa Mandaluyong na gumagamit ng cashless payment para sa kanilang tinda.

Larawan mula kay Chao Mitsui

Hi-tech ang paraan ng pagbabayad sa fish ball cart na ‘Itlog ni Rodrigo’ dahil gumagamit siya ng sikat na payment app na PayMaya sa pagtanggap ng bayad sa kanyang simpleng food cart business. Sa pamamagitan ng QR code at ng PayMaya app ay makapagbabayad ka na sa iyong binili.

Ayon sa mga nagtitinda, isa raw itong paraan paraan upang maging mabilis ang transaksyon sa pagbabayad ng kanilang customers. Wala na raw ang usual na sukilan na nakatatagal kung minsan sa pagseserbisyo sa kanilang mga mamimili.

At dahil kilala raw na isang business district ang Mandaluyong, isang magandang paraan din umano ang paggamit ng cashless payment method upang makisabay sa mga customer nilang tumatangkilik sa makabagong paraan ng pagbabayad.

Dagdag pa ng mga may-ari, sa ganitong paraa din umano ay mas ligtas nilang maiuuwi ang kanilang kita at malabong makuha ng mga manl0loko na talamak sa panahon ngayon.

I-click ang larawan upang mapanood ang video mula sa TV5

Napag-alaman ding sa labas ng TV5 compound nagtitinda madalas ang ‘Itlog ni Rodrigo’ cart na sister company ng PayMaya kaya naman patok para sa mga nagbe-breaktime na empleyado ng nasabing istasyon.

Pinatatakbo ng Smart Communications ang PayMaya. Ayon sa kompanya, bukas din sila sa iba pang maliliit na negosyo tulad ng ‘Itlog ni Rodrigo’ na gusto masubukan ang kanilang hi-tech cashless payment system.