Classic ‘Shake Rattle and Roll’ episodes, uploaded na sa YouTube channel ng Regal Entertainment

  • Mapapanood sa YouTube account ng Regal Entertainment ang episodes ng Shake Rattle and Roll
  • Isa-isang ina-upload ng Regal ang mga lumang episodes ng SRR, timing para sa horr0r movie marathon ngayong Halloween
  • Maraming netizens naman ang inalala ang kanilang kabataan dahil sa klasikong horr0r film series

Maituturing nang klasiko ang film series ng Regal Entertainment na ‘Shake Rattle and Roll.’ Halos taon-taon simula noong 1984 ay pinatatayo ng mga pelikulang SSR ang ating balahibo. Tumatak nga ang ilang tauhan at iba pang elementong napanood sa serye ng horror films kabilang ang ‘Undin,’ at ‘Pridyider.’

Gayunman, noong 2014 ay napanood ang last installment ng Shake Rattle and Roll na pinagbidahan nina Carla Abellana, Dennis Trillo, at Lovi Poe. Ngunit kahit hindi na tinuloy ng Regal ang paggawa ng SRR movies, tuloy naman ang pananak0t nito sa pamamagitan ng YouTube channel ng Regal Entertainment.

Larawan mula sa YouTube account ng Regal

Itinaon ng Regal ang pag-a-upload ng mga naunang Shake Rattle and Roll episodes sa kanilang YouTube channel sa paparating na Halloween. Inumpisahan nilang magpalabas ng SRR episodes noong Oktubre 16 na nadaragdagan sa paglipas ng araw.

Ang ilan sa mga naka-upload na episodes ay “Ang Guro” na pinagbibidahan nina Edu Manzano, Manilyn Reynes, at Sunshine Cruz; “Ang Kapitbahay” kasama sina Aiza Seguerra, Janice de Belen, Al Tantay, at Lady Lee; at “Ang Madre” na kinatatampukan nina Aiko Melendez,  Ai-ai delas Alas, IC Mendoza, at ang icon ng katatakutan na si Lilia Cuntapay.

Daan-daang libong views na ang naani ng mga naka-upload na SRR episodes kahit ilang araw pa lamang ito sa YouTube. Patunay itong na-miss ng maraming batang 90s ang mga kuwentong hatid ng Regal sa kanilang mga manonood.

Kanya-kanya namang bahagi ang mga nanonood na netizens sa mga SRR episodes sa YouTube. Naaalala raw nila ang kanilang kabataan kung saan bentang-benta raw ang mga ganitong uri ng istorya lalo na’t magkakasama ang magkakaibigan at magkakapatid na nanonood.

“Noong bata kami, bentang-benta sa amin ang ganitong pelikula. Inaabangan pa naming to noon sa cable tapos manonood kami na nakapatay ang ilaw,” pag-alala ng isang netizen.

Larawan mula sa YouTube account ng Regal

Ang iba naman ay hindi naiwasang ma-miss ang kalidad ng mga pelikula noon. Kahit daw hindi pa hi-tech ang effects at maganda ang prosthetics, ay wala raw katulad ang paraan ng pagkukuwento ng mga pelikula noon.

“Horr0r noon, iba talaga. Kahit dated ang makeup at effects, yung story telling maganda. Nakakatak0t pa rin. Ngayon, mga movies OA at hindi naman nakakatak0t,” pahayag ng isang viewer sa YouTube.

Tuloy-tuloy pa rin ang Regal sa paglalagay ng mga SRR episodes sa YouTube at naka-schedule na para sa streaming.

Feel mo bang mag-SRR marathon ngayong Undas? Simulan mo na sa bagong upload na ito. Huwag kalimutang i-off ang iyong ilaw para sa mas swabeng panonood: