Pagkaing Pinoy: Halina at kumain ng niyog at kamoteng kahoy

  • Napatakam ang netizens sa larawan ng taong kumakain ng kamoteng kahoy at ginadgad na niyog
  • Makikita ito sa Facebook page na Memories of Old Manila
  • Umani naman ito ng komento mula sa netizens na nagbahagi pa ng kanilang mga karanasan sa pagkaing ito

Mahirap man ang buhay at mahal ang presyo ng mga bilihin, hindi naman ito iniinda ni “Juan Dela Cruz” lalo pa’t sanay tayong humanap at gumawa ng paraan upang patuloy na makakain at mai–agpang ang pagkalam ng ating mga sikmura. Kaya naman sa usaping pagkaing Pinoy, hindi mawawala sa listahan ang pagkain ng niyog at kamoteng kahoy.

Kinaaliwan sa Facebook page na “Memories of Old Manila” ang larawan ng isang taong kumakain ng ginadgad na niyog at kamoteng kahoy na isa sa root crops na kinakain ng mga Pilipino lalo na sa mga lalawigan.

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Umani naman ito ng reaksyon at komento sa netizens. Mali raw ang konsepto na tanging mga anak–pawis o mahihirap lamang ang maaaring kumain ng ganitong uri ng pagkain.

“Mayaman at mahirap kumakain niyan.. walang kinalaman diyan ang antas ng buhay.”

“Maling isipin na mahihirap lamang ang pwedeng kumain ng kamote, samahan pa ng asukal at ginadgad na niyog. Ang mayayaman din ay nasisiyahan din sa ganyang meryenda. Ang panlasa nila ay kapareho din natin; nasa middle class o maralita o kapos–palad (nasa mayorya tayo, hehe!). Dangan nga lang mas marami silang limpak–limpak na salapi na pambili ng iba pang pagkain.”

“Kahit noon o ngayon ay masarap pa ring kumain ng kamoteng kahoy with kinayod/kinudkod na murang niyog, naku, napakasarap, dagdagan mo pa ng muscovado.”

“Almusal at meryenda namin noong bata pa kaming magkakapatid habang kumakain, masaya kaming nagkukuwentuahan… nakaka–miss.”

Public Domain Image

“Bagong hango, pahiran ng mantikilya at budburan ng brown na asukal at kinayod na niyog… hay, sarap ng meryenda…those where the days… simpleng buhay sa bukid.”

“Yes lumaki kami na part of our staple food, daming tanim ng father ko beside other root crops. Madalas kaming  maglinubak, dinadagdagan ng saging na saba, amirez, niyog at asukal. At minsan may margarine pa…”

Ikaw, nakakain ka na ba nito?