Pagpangos ng tubo, may gumagawa pa ba nito?

  • Kinagiliwan ng netizens ang larawan ng isang tubo o sugar cane
  • Napatanong ang uploader ng larawan kung pumapangos pa ba ang mga tao ng tubo sa kasalukuyan
  • Nagbahagi naman ng kanilang karanasan ang netizens

Sadyang mahilig sa pagkaing matatamis ang mga Pilipino. Halos lahat ng mga pagkaing may asukal o matamis ay tinatangkilik. Subalit alam mo bang ang asukal ay nagmula sa isang halaman na tinatawag na tubo o sugarcane? At ang mga Pilipino—pinapangos o nginangata ito nang direkta upang makuha ang matamis nitong katas.

Kaya naman tanong ng Facebook user na si Alexander Ledesma na makikita sa Facebook page na “Memories of Old Manila“: “Pumapangos pa rin ba kayo nito? Sabagay madalang na ang naglalako nito!”

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manilasugar cane

Tumugon naman dito ang mga “relate–much” na netizens na nakaranas pumangos ng tubo.

“This is why as a 12 year old, suki ako ng dentista sa aming bayan, too much tubo at sugar products ng tubo, my grandfather had a farm where they plant sugar cane, kapag harvest season, may makinarya na iniikutan ng kalabaw para sa grinding ng tubo, tapos out comes the juice…..those were the days…”

“Dati may makikita ka pang naglalako niyan, nasa kariton, ngayon wala na…”

“Oo naman! Minsan nga kapag pumarada ang trak sa tabi kaniya–kaniya agad kaming hugot… kapag hindi pa nakuntento, para makapili ng malalak,  umaakyat pa kami sa taas ng trak.”

“I feel so lucky. I was able to experience to eat this fresh from the harvest. My lolo would choose the youngest and juiciest for me.”

“Libre sa amin dati iyan kasi malawak ang tubuhan ng lolo ko at kapag hustong gulang na gigilingin iyan, gamit sa pag–ikot ng gilingan ng tubo ay kalabaw para mapiga ang katas at para gawing panutsa o sangkaka ang tawag sa produkto galing sa tubo. Kaya pati panutsa sarap din papakin.”

Public Domain Image

Hinay–hinay lamang sa pagpangos ng tubo dahil baka masira ang ngipin o tumaas ang blood sugar.