82-anyos na madre, nangingibabaw ang talento sa pagkanta at pagtugtog ng piano

  • Viral ngayon sa social media ang pagkanta at pagtutugtog ng piano ng isang 82-anyos na madre
  • Ibinida ng netizen na si Jeisen Mark Guzman Colcol ang madre dahil sa angkin nitong talento sa musika
  • Napag-alaman din ng netizen na dati nang tumutugtog sa mga theatrical play si Sister noong kabataan niya
Imahe mula sa Facebook video Jeisen Mark Guzman Colcol

Pinatunayan ng isang 82-anyos na madre na hindi basta naaalis ang talento ng isang tao sa kabila ng kaniyang pagtanda.

Sa video na ibinahagi ni Jeisen Mark Guzman Colcol sa Facebook, maririnig ang nangingibaw na talento ng isang madre sa musika. Mapapanood dito ang kahanga-hangang niyang pagtugtog ng piano kasabay ng mala-broadway niyang tinig sa pag-awit ng kantang “Danny Boy.”

Kinilala ng nag-upload ng video ang madre bilang si Sister Sarah Manapol na nasa edad 82-taong gulang.

“Flex ko lang ni Sister,” ani Jeisen sa panimula ng kaniyang Facebook post. “Playing the Piano while singing is Sister Sarah Manapol. She is so galing knowing that she is already 82 years old! I fell in love with her broadway voice.”

Sa pagpapatuloy ni Jeisen sa post, sinabi nito na nalaman niyang dati na ring sumasali si Sister Sarah sa mga theatrical play kasama ang yuma0ng si Fr. James Reuters, SJ.

I-click ang imahe para mapanood ang video

Hindi naman kinalimutan ng madre ang pagmamahal sa musika at patuloy na ginagamit ang kaniyang talento para pabilibin ang madla.

Sa ngayon ay umabot na sa higit 2,000 reactions ang video ni Sister Sarah sa Facebook. Nasa higit 1,000 beses na rin itong nai-share sa social media.

Marami rin sa netizens ang nagpahayag ng kanilang paghanga sa talento ni Sister Sarah maging sa kabaitan nitong ipinapakita.

“Galing mo, Sister. Saludo ako sa iyo. To God be the Glory,” sabi ni AB matapos mapanood ang nakabibilib na talento ng madre.

Imahe mula sa Facebook video Jeisen Mark Guzman Colcol

“Ang galing mo pa rin Sister umawit at tumugtog ng piano at kahit sa paggigitara mo noong magkasama pa tayo noon,” pahayag ni JA.

“My daughter told that Sister Sarah is the best Sister she met in St Paul Tuguegarao City. When they greet her she replies at kinukumusta pa raw pag-aaral nila. Sister, may you stay healthy always and God bless,” ani SM sa comment section.