Antoinette Taus at mga kapamilya ni Gina Lopez, nagtanim ng puno bilang paggunita sa kaniya

  • 65 puno ang itinanim nina Antoinette Taus at iba pa sa Masungi Geopark
  • Paggunita at pagpupugay ito sa alaala ni Gina Lopez
  • Tinawag nila itong “Gina’s Grove”

Nagtanim ng 65 native trees ang aktres na si Antoinette Taus, mga kapamilya, kaanak, kaibigan, at ilan pang mga boluntaryo para sa pag–alaala sa yumaong dating DENR Secretary at environment advocate na si Gina Lopez na isinagawa sa Masungi Geopark Project’s Legacy Trail noong Oktubre 6, 2019 subalit ibinahagi naman ni Taus sa kaniyang Instagram account nitong Oktubre 27, 2019.

Imahe mula sa Instagram account ni Antoinette Taus

Pinangalanan nila ang kanilang mga itinanim na puno bilang “Gina’s Grove” bilang pagpupugay kay Gina sa 65 taong inilagi niya sa daigdig, na ngayon ay nasa piling na ng Panginoong lumikha ng kalikasan, noong Agosto 19, 2019.

“65 native trees for Gina Lopez’s 65 wonderful years. Together with Gina’s family, friends, and fellow advocates, we planted “Gina’s Grove” in the Masungi Geopark Project’s Legacy Trail last October 6, 2019. And what a beautiful day of remembrance it was – for the warrior that she was, the fires that she has ignited in our hearts, and the pieces of her spirit that remain in each of us,” saad ni Taus sa kaniyang Instagram post na may hashtag na #MaramingSalamatGina.

Dagdag pa ni Taus: “Challenges abound when you try to find solutions. But loving this country is about seeing through possibilities instead of limitations. As she has demonstrated through her life, we soldier on.”

Imahe mula sa Instagram account ni Antoinette Taus

Paliwanag ni Taus, napili nila ang Masungi Geopark dahil hinamon sila noon ni Gina na umisip ng pangmalawakang solusyon kung paano ito muling maisasaayos dahil sa pagkasira dulot ng land trafficking at ilegal na pagtotroso.

“Fast forward from our initial meeting and eventual agreement in 2017, we have now planted over 47,000 native trees in this new reforestation site through the help of visitors and volunteers from all walks of life,” paliwanag pa ni Taus.

Umani naman ito ng magagandang komento mula sa netizens.

“I would like to thank you for your good advocacy about our environment. You might be the next Gina Lopez. Keep it up!”

“Mabuhay! Sana po tumubo ang mga puno para makatulong sa ating kalikasan. Ito ang magandang balita para sa magandang kinabukasan.”

Imahe mula sa Instagram account ni Antoinette Taus

“Kudos, Ms. Antoinette Taus and to the entire team! Ito ang dapat tularan natin sa Pilipinas. We will always be grateful to Mam Gina Lopez,  siya ang pinakatapang na tagapagtanggol ng ating kalikasan at kapaligiran.”

Mabuhay ka, Antoinette Taus at sa lahat ng mga nakitulong sa pagtatanim na ito! Tiyak na masaya si Gina Lopez habang kayo’y pinagmamasdan mula sa kaitaasan.