Isang lolo, napaluhod sa lupa at nagdasal habang lumilindol sa Cotabato

  • Nakuhanan ng larawan ang isang matandang lalaking napaluhod sa lupa at nagdasal habang yumayanig sa Cotabato City
  • Ligtas naman ang naturang matandang lalaki na nagngangalang Maximino Rubi
  • Umani naman ito ng paghanga mula sa netizens

Bukod sa ating sarili at kapwa, sa panahon ng kagipitan at kapahamakan ay wala tayong matibay na masasandalan kundi ang pananalangin at pananampalataya sa Poong Maykapal na makapagbibigay sa atin ng kaligtasan.

Kaugnay nito, isang matandang lalaki ang sukat na napaluhod sa lupa at taimtim na nagdasal habang nangyayari ang pagyanig sa Matalam, Cotabato City nitong Martes, Oktubre 29, 2019. Nakuhanan ito ng larawan at ibinahagi ng netizen na si “Jim Bryan Dalida Faeldonia” sa kaniyang Facebook post.

“In times of test, PRAY. Keep safe everyone.”

Imahe mula sa Facebook account ni Jim Bryan Dalida Faeldonia

Umani naman ito ng paghanga mula sa netizens.

“When there is no one else to run to, God is always there! He is forever faithful! Keep the faith Tatay and please be safe. I know His with us all along.”

“Prayer is the most powerful shield. Prayer is one of the most powerful weapons God has given us. Keep safe everyone God bless.”

“The only best armor in all circumstances is to pray. Keep safe everyone. Only GOD knows everything…”

Batay naman sa kaniyang anak na nagbigay ng reaksyon sa comment section, napag–alaman na ang pangalan ng matandang lalaki ay Maximino D. Rubi mula sa Don Carlos, Bukidnon. Ligtas naman daw umano ito.

“This is my father MAXIMINO D. RUBI from Don Carlos, Bukidnon during his travel to Kidapawan today. GOD bless you always my tatay, have a safe trip, he is going back to Don Carlos.”

Ang pagyanig sa Cotabato ay may magnitude na 6.6. Marami naman sa mga gusali at iba pang imprastraktura ang nasira dahil sa naturang pangyayari.

Sa panahon ng pangangailangan, panalangin at pananampalataya sa Diyos ang kailangan.

Public Domain Image