Kain pa more: Lalaking kinailangan nang umuwi, dinala na lang sa jeep ang plato ng pagkain mula sa handaan

  • Trending sa social media ang larawan ng isang lalaki na dinala sa jeep ang pagkaing mula sa handaan
  • Ayon sa uploader, ganoon daw ang eksena kapag pinauwi ka ng nanay mo pero ‘di ka pa tapos kumain sa handaan
  • Umaani naman ng maraming reactions at shares ang post na ito dahil sa good vibes na hatid nito sa mga netizens

Sigurado ang saya kapag dadalo sa isang handaan. Maliban kasi sa makikita natin doon ang ilang mga kakilala, tiyak ding mabubusog ka bago umuwi dahil sa mga pagkain sa hapag. Kaya naman ang ilan sa atin, kinakarir ang paglantak sa masasarap na handa sa mga okasyong pinupuntahan.

Pero hindi rin maiiwasan na kung minsan ay hindi ka pa man nakakabuwelo sa kainan ay pinauuwi ka na sa inyong tahanan. Ngunit ang isang lalaki sa social media ay hindi nagpapigil sa pagkain kahit kailangan na niyang umuwi.

Larawan mula sa Facebook account ni Joshua Gapunay Manozon

Ibinahagi ng netizen na si Joshua Gapunay Manozon sa kanyang Facebook account ang larawan ng isang lalaking kahit nakasakay na sa jeep ay patuloy pa rin sa pagkain ng handa mula raw sa isang pista. Ayon sa caption ng uploader, ganito raw ang eksena kapag nagpunta ka sa pista pero pinauuwi ka na ng nanay mo.

“Iyong pumunta ka ng fiestahan tapos bigla kang pinauwi ng mama mo,” sabi ni Manozon sa kanyang trending post na 16 na oras pa lang naka-post pero mayroon nang higit 8,300 reactions at tumatagingting na 24,000 shares.

Aliw na aliw ang netizens sa literal na food trip ng lalaki sa larawan. Ayon sa kanila, talaga raw food is life para sa lalaki at diskarte lang ang kailangan para mabusog. Ang ibang netizens naman ay kanya-kanayng bahagi ng karanasan sa kanilang mga kakilalang may katulad na diskarte sa post ni Manozon.

“Hahaha. May kilala akong ganito. Binubulsa naman yung mga pagkain kapag may handaan. On the go nga naman. Lol,” pahayag ng isang netizen.

Larawan mula sa Facebook account ni Joshua Gapunay Manozon

May mga social media users namang nakakuha raw ng ideya kay Manozon. Karaniwan daw kasi kapag nagkaayaan nang umuwi, kahit hindi pa tapos kumain ay iniiwan na lang sa lamesa ang natirang pagkain. Dahil daw nag-viral ang post na ito, puwede na raw nilang gawin din sa pampublikong sasakyan ang umubos ng handa.

“Yun oh. Pwede pala ‘yung ganito sa jeep. Alam n’yo na mga brad. Tuloy ang ligaya kahit sa jeep. Paano kaya pag sa motor? Haha,” sabi ng isang netizen.