Mag–asawang senior citizen, umakyat ng bundok at nagtanim ng puno

  • Humanga ang netizens sa mag–asawang senior citizen matapos nilang umakyat ng bundok at magtanim ng puno
  • Surpresa ito ng lalaki sa kaniyang kabiyak sa pagdiriwang nito ng ika–75 kaarawan
  • Isinagawa ang pagtatanim sa Masungi Georeserve sa Rizal

Sabi nga, ang mag–asawa ay kailangang magsama sa hirap at ginhawa, sa lungkot man o saya. Gayundin marahil sa pag–akyat ng bundok at pagtatanim ng puno.

Isang mag–asawang may edad na ang umakyat ng bundok at nagtanim ng puno sa Masungi Geoserserve noong Linggo, Oktubre 27, 2019 kung saan isinagawa rin ang pagtatanim ng puno para sa paggunita kay dating DENR Secretary Gina Lopez.

Ayon sa Instagram post ng opisyal na Instagram account ng Masungi Georeserve, sinurpresa ng lalaki na si Mang Jose Jr. ang kaniyang kabiyak na si Aling Teresa sa ika–75 kaarawan nito sa pamamagitan ng gawain ng pagtatanim ng puno sa Masungi. Sa kabila ng hirap sa pag–akyat ng bundok, narating ng mag–asawa ang ituktok.

“Last Sunday, Jose Jr. surprised his wife Teresa with a tree planting activity for her 75th birthday. Despite the uphill climb, the couple successfully reached the top of the mountain, and proceeded with tree planting and nurturing. They celebrated Teresa’s birthday by leaving a lasting legacy. Moments like this show that anyone, no matter what age, can contribute to the movement to restore our forests. Thank you, Teresa and Jose Jr., for inspiring all of us!”

Imahe mula sa Instagram account ng Masungi Georeserve

Umani naman ito ng paghanga mula sa netizens, lalo na sa kanilang edad na nakayanan pang umakyat ng bundok at magtanim ng puno.

“This is truly inspiring! Wake up call na rin sa mga medyo bata–bata pa. Kung nagawa ng 75 years old na umakyat ng bundok at magtanim ng puno, paano pa kaya kayo, tayo? Hindi pa huli ang lahat guys!”

“Ito ang tunay na relationship goals. Leaving a lasting legacy nga talaga. At their age, nakayanan pa nilang umakyat ng bundok at magtanim para magkaroon ng ambag sa pangangalaga ng kalikasan. Ito ang dapat tularan!”

“So cool! Good to know too about the tree planting as a gift. Relationship goals, indeed!”

Public Domain Image

Congratulations kina Mang Jose, Jr. at Aling Teresa!