Morissette Amon, pinahanga ang mga kapwa mang–aawit sa rehearsal ng ASAP Natin ‘To

  • Initsahan ng sapatos ng mag–asawang sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid si Morissette Amon dahil sa mahusay nitong pag–awit ng “What Kind Of Fool Am I” 
  • Nangyari ito sa kanilang rehearsal para sa “The Greatest Showdown” sa ASAP Natin ‘To
  • Maging sina Erik Santos, Sarah Geronimo, at Zsa Zsa Padilla ay napahanga ni Morissette

Isa sa mga hinahangaan at tinitingalang mang–aawit ngayon ang tinaguriang “Asia’s Phoenix” na si Morissette Amon dahil sa kaniyang husay sa pagbirit, lalo pa’t ang mga OPM legendary icons pa ang pumupuri sa kaniya tulad na lamang ng mag–asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez–Alcasid.

Public Domain Image

Sa isa sa mga rehearsals ng mga mang–aawit na kabilang sa “The Greatest Showdown” ng longest musical variety show ng ABS–CBN na “ASAP Natin ‘To” noong Oktubre 20, 2019, makikita ang “pamamato” ng sapatos ng mag–asawang Alcasid kay Morissette dahil sa nakabibilib na pag–awit nito ng “What Kind Of Fool I Am” na pinasikat ni Sammy Davis, Jr.

Batay sa video na inupload ni “Kim Castillo Right” sa YouTube channel, makikitang nakakalat sa entablado ang sapatos ng mag–asawa dahil ginalingan ni Morissette ang pagbirit kahit na rehearsal pa lamang. Sumigaw din ang Asia’s Songbird ng “Whooooohhh!!!!” na kaniyang trademark.

Sa mga hindi nakababatid, ang pag-itsa ng sapatos sa stage lalo na’t mula sa isa ring performer matapos ang isang napakahusay na pagtatanghal ay nangangahulugan ng labis na paghanga.

Sabi nga ni Jennifer Hudson, “If you move me enough that I remove my shoe to throw it at you, you have done something just amazing,” Ito umano ay katumbas ng isang standing ovation.

Samantala, hindi lamang ang mag–asawang music icons ang napabilib ni Morissette. Maging ang King of Pop at King of Teleserye Theme Songs na si Erik Santos ay nagsabing “Ako, nanggigigil ako sa ‘yo, Morissette” habang ang naging coach naman niyang si Popstar Royalty Sarah Geronimo sa “The Voice of the Philippines” ay makikitang nakangiti at pumapalakpak matapos ang kaniyang pagkanta.

Maging si Divine Diva Zsa Zsa Padilla ay napakomento ng “Uwi na ‘to!” na sinegundahan naman ni Asia’s Songbird ng “Oo, alam mo, kailangan mo daw umuwi.”

Image capture mula sa YouTube channel

Samantala, maging ang netizens ay hindi nagpaawat sa pagbibigay ng komento sa mahusay na pagbirit ng 23-anyos na si Morissette.

“The question isn’t whether she’s ready to conquer the world; the question is whether the world is ready for her. She deserves a bigger stage!”

“Regine can be very humble, even when her version remains to be the best, she is quite generous with her compliments”. Sinundan pa ito ng “Morissette is consistently improving. She’s 99.9% ready to become an international superstar!”

Panoorin ang naturang kulitan sa rehearsal ng ASAP Natin ‘To via YouTube channel: