Rapper na si Loonie, nagtanghal sa harap ng kaniyang inmates

  • Nagtanghal sa harap ng kaniyang mga kakosa at bantay na pulis ang flip top rapper na si Loonie
  • Nadakip siya noong Setyembre dahil sa paggamit umano ng ipinagbabawal na gamot 
  • Umani naman ito ng reaksyon mula sa netizens

Binigyang kasiyahan ng flip top rapper na si Loonie o Marlon Peroramas sa tunay na buhay ang kaniyang mga inmates sa Makati City Jail matapos niyang magtanghal ng kaniyang mga hits nitong Linggo ng gabi, Oktubre 27, 2019.

Matatandaang kasama si Loonie na nadakip sa Herald Suites Polaris sa Barangay Poblacion noong Setyembre 19, 2019 matapos mahulihang gumagamit ng ipinagbabawal na bagay kasama pa ang apat na katao.

Imahe mula sa Twitter ng CNN Philippines

Batay sa video na inupload nina Zhenre Zei at Jeffrey Pallan, inawit ni Loonie ang kaniyang dalawang hits na “Balewala” at “Tao Lang”.

Maririnig sa video ang lyrics na “Tinanggap ang bawat hamon ng mundo, lumaban, nakipaglaro ng ap0y at patintero kay Kamatayan, bitbit ko ay panalangin paglabas ng pinto, nakakapunit man ang hanging sasalubungin ay yayakapin ko.”

Umani naman ito ng samo’t saring reaksyon  mula sa netizens. Sabi ng isa, “Any update on the actual case? Including the said CCTV evidence?”

“Mas bibilib pa sana ako kung magagandang songs ang kinanta niya, yung tungkol talaga sa pagbabagong–buhay. Kaya ang kabataan ngayon kung ano–ano na lang ang naiisip gawin dahil sa hindi magandang impluwensiyang naririnig, nakikita, at napapanood dulot na rin ng media eh.”

“Glorifying him is like encouraging youngsters to get into drugs while honing their talents. Sana naman ang mga awiting nako–compose ay gamitin sa pagpapalaganap ng kabutihan at kagandahang–asal, hindi iyong kung ano–ano na lang.”

“Ang daming mapanghusga dito akala ninyo ang lilinis ninyo? Hindi naman ninyo kilala nang lubos yung tao para pagsalitaan ng masasakit. Bigyan ninyo ng chance baka sakaling mabago at magamit ang talento sa mabuting paraan.”

“At least napasaya niya ang mga kakosa niya sa loob. Huwag na kayong magkomento kung wala rin lang kayong maitutulong.”

Si Loonie ay nakasama na sa isang pelikula ng kapwa nitong rapper na si Abra.

I–click ang larawan  sa ibaba upang mapanood ang video ng performance ni Loonie:

Image capture mula sa Facebook page ng Philippine Star